Hello mgs besh, trending post sa mga aktibista ang kanilang personal na naratibo tungkol sa kung paano at bakit sila naging aktibista.

Ano na naman kayang nakain ng mga tibak? Malay ko. Ang alam ko, layunin ng trending post na bakbakin ang linya ni Duterte, ni Senator Bato, ng militar, pulis, ni President Emmanuel de Guzman ng PUP (why hello, comrade, you sound totally different these days, but you know what, you look exactly the same way. I have no further comments) na biktima lang ng brainwashing ang mga taong nagiging aktibista. Kaya naman daw kailangang magdeploy ng mga pulis at militar sa mga unibersidad.

Lately, nagimbento at nagpakalat sila ng fake news tungkol sa isang babaeng aktbista na missing daw kasi nabrainwash. Naimbyerna si Ate gurl, at sukdulang pinabulaanan ang malisyosong chismis ng pulis at militar.

Unfortunately, galit sa aktbismo ang Nanay niya. Lumapit sa militar after tumodo push back si Ate gurl tibak sa ininflict ni mumshie na house arrest. Walang sinabi ang mga antagonist sa teleseryeng Kadenang Ginto sa ganitong pa-trials and tribulations.

Sinunggaban namam ng militar ang family conflict na ito, at nakiliti rin sila sa idea na hagip ng military propaganda ang mga ways and means ni mumshie, yung ikulong mo sa bahay ang anak mo at ideprive ng outside contact, aminin, very military tactic.

Sana makilala ni mumsh ang mga nakararaming magulang ng mga aktibista na supportive dahil buset na sa pasismo ng estado. It’s not too late, and in fairness kay Ate gurl, very principled and clear ang mga statement niya, hindi niyo siya maiisahan, isa siyang tunay na dragon, I wanna call her Cassie. 

So to Albayalde, Bato, Duterte, de Guzman, inyong-inyo na itong sikat na sikat na linyang ito from Florida Blanca, Pampanga: You do note the liar is my peyk! 

Not to miss this rare opportunity to tell you my side of the story, Oo Cassie, isa rin akong dragon, literally born in the year of the Dragon, fire dragon to be specific, and a Scorpion.

Bakit ako tibak

On communist brainwashing I receieved a troubling message from one of our younger comrades. Apparently, the radical…

Geplaatst door Sarah Raymundo op Donderdag 8 augustus 2019

Bakit ako naging tibak? Dahil noong bagets pa ako, lahat ng matatalino, cute, at mabubuting tao na naeengkwentro ko, may pagkabwisit sa sistema at may hanash sa kilusang mapagpalaya. Being a baby dragon like Cassie, siempre gusto kong maki-associate sa mga matatalino at mahuhusay kumuda-kuda sa matters of relevance. Call me a social climber, beyond Kadenang Ginto edition. 

So kung ang goal ko ay magpakatalino at magpakatao, mga besh, tell me, bakit naman ako jojoin sa mga hanash ng pulis at militar, right? Ganyan pa rin naman ang mga bagay-bagay nowadays. Lalo na kung yang mga propagandista ng rehimeng Duterte ay pawang mga trying hard at wala namang napatunayan sa kahit na anong larangan, akademiko, palakasan, beauty pageant, showbiz, walang puhunan kundi fake news. 

So baket kayo bibigyan ng atensyon ng mga matatalino, aber? Plano niyong pasukin mga unibersidad? Isa sa punterya niyo UP Diliman? Alam ko na mga eksena diyan. Masasalubong kayo in your not so stylish garb, assuming na hindi covert ops gagawin niyo. Iiwas ang mga dudes, dudettes , gays, lesbians, trans, gender non-conforming froglets, as in away from your direction:”Geez heto na naman ang mga bobitang pa-man, duh.” (Nak nam poo cha, ouch) 

We will never run out of things to think, say and do para basagin yang mga ilusyon niyong hindi kayo mga gunggong.

ICYMI, may version ito sa ibang wika na mababasa sa link na ini:

#ActivistsNotTerrorist #StopTheAttacks #YouDoNote

Featured photo by Angie de Silva / Rappler

Sarah Raymundo
Sarah Raymundo is a full-time faculty at the University of the Philippines-Center for International Studies (UP-CIS Diliman). She is a member of the National Executive Board of the Alliance of Concerned Teachers (ACT) and currently the External Vice Chair of the Philppine Anti-Impeiralist Studies (PAIS). She is also a member of the Editorial Board of Interface: A Journal for and about Social Movements.