DUTERTE PAHIRAP! Sa gitna ng militaristikong lockdown buhat ng pandemya, kasaba…

DUTERTE PAHIRAP!

Sa gitna ng militaristikong lockdown buhat ng pandemya, kasabay nang walang malinaw na solusyon kung papaano tutugunan ng pamahalaang Duterte ang hinaing ng mamamayan, nagresulta ito sa halos pagtigil ng produksyon sa bansa, tumigil ang takbo ng pangtransportasyon, at milyong bilang ng mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at kabuhayan.

Ang mamamayang Pilipino ay patuloy na naghihikahos buhat ng pandemya at biktima nang walang maayos na plano ng pamahalaan.

Panagutin ang rehimeng Duterte sa pambubusabos at panunupil sa buong bayan! 10,000 ayuda, P750 National Minimum Wage, libre at ligtas na bakuna, hindi charter change at terror law!

Makilahok sa Social Media Rally!
February 18, 2021 | 8 PM

#SahodItaasPresyoIbaba
#AyudaNgayonNa


Source