Mariing kinokondena ng BAYAN ang marahas na pagbuwag sa piketlayn ng halos 200 manggagawa ng Peerless Products Manufacturing Corporation/PEPMACO sa Laguna kaninang ala-una ng madaling araw, na isinagawa ng mga goons ng kumpanyang PEPMACO na pagmamay-ari ni Simeon Tiu.

Tila sindikato sa gabi nang salakayin ng mga goons na naka-full battle gear at naka-face masks ang mga manggagawang nagpapahinga sa piketlayn. Sakay ng dalawang van at dalawang container van ang mga goons na siyang nagsipaghahampas ng mga baton at nambomba rin ng tubig sa mga manggagawa. Hindi pa nakuntento ay pinagbabato rin ng mga goons ng naglalakihang bato ang mga nakapiket.

Nakapagtala ng di bababa sa 11 ang sugatan na isinugod sa ospital, karamihan ay tinamaan sa ulo. Wasak ang piketlayn. Maging ang mga personal na gamit at mga pagkaing nakaimbak ay basang-basa.

Kontraktwalisasyon, masahol na kalagayan sa paggawa, pagmamalupit sa mga manggagawa, malawakang tanggalan, at union busting ang nagtulak sa PEPMACO Workers Union-NAFLU-KMU na maglunsad na ng piketlayn noong Hunyo 24.

Ang PEPMACO ay kumpanya na pangunahing gumagawa ng sabon panlaba o detergent at fabric conditioners, kagaya ng Champion at Calla. Sila rin ang tagapaglikha ng produktong Systema toothpaste at Hana shampoo at conditioner.

Sa makatarungang panawagan ng mga manggagawa para sa ligtas at makataong pagtrato sa paggawa, pandarahas ang sagot ng PEPMACO. Nagkakamal ng napakalaking kita si Simeon Tiu sa kabila ng kahabag-habag na kalagayan ng kanyang mga manggagawa.

Marapat lamang na suportahan ng mamamayan ang labang ito ng mga manggagawa ng PEPMACO, dahil ang labang ito ay laban ng lahat ng naninindigan para sa sapat at nakabubuhay na sahod at para sa ligtas at makataong kondisyon sa paggawa.

Suportahan ang laban ng mga manggagawa ng PEPMACO!
I-boycott ang mga produktong PEPMACO!
❌CHAMPION laundry products
❌CALLA laundry products
❌HANA hair products
❌SYSTEMA dental products

#BoycottPepmacoProducts
#SupportPepmacoWorkers

BAYAN
BAYAN's commitment is to the Filipino people - among those at the forefront of our people’s continuing struggle for national liberation and democracy. Founded on the determination and strength of the majority of oppressed classes, Bayan is an alliance composed mainly of organizations of workers and peasant. Various sectors also account for many of our allied organization mass membership.