Mga kababayan, 

Marahas na binuwag ang piketlayn ng mga manggagawa ng Pepmaco ng mga security at goons ni kapitalistang Simeon Tiu. 

Hunyo 24 nang ilunsad ng Pepmaco Workers Union – Naflu – KMU dahil sa malawakang kontraktwalisasyon, masahol na kalagayan sa paggawa, pagmamalupit sa mga manggagawa, malawalang tanggalan, union busting atbp. 

Limpak limpak na yaman mula sa pawis ng manggagawa ang kinamal ni Tiu pero sa halip na dinggin ang kanilang hinaing ay dahas ang tinugon ng ganid na kapitalista. 

Romeo Aldamar at Jimmy Sioson mga manggagawa ng Pepmaco, ginulpi ng mga security ni Tiu dahil tumindig laban sa matinding pagpapahirap at pang-aabuso. / Mula sa fb post ni Lana Linaban

Kailangan ng manggagawa ang ating pakikiisa. Suportahan ang kanilang laban sa pamamagitan ng pag-boycott sa mga produkto ng Pepmaco tulad ng Champion, Hana, Systema at Calla. 

Ibungad ang panawagang Boycott sa Social Media :

1. I-post ang #BoycottPepmacoProducts kasama ang panawagang suportahan ang welga ng manggagawa ng Pepmaco .

2. Mag-post ng larawan ng mga produkto na may text na Boycott! 

3. Mag post/share/like ng mga infographics/ pub mats hinggil sa boycott. 

4. Hikayatin ang kapamilya, kamag-anak at kaibigan na lumahok sa kampanyang Boycott

Maraming salamat!